Death Penalty Law buwag na sa Hunyo
April 23, 2006 | 12:00am
Malaki ang paniwala ni Albay Rep. Edcel Lagman na hanggang Hunyo na lamang ang itatagal ng Death Penalty Law dahil mas mapapabilis na ang pagbasura nito sa Kongreso.
Ayon kay Lagman, principal author ng House Bill 4826 na walang dahilan upang manatili pa ang Death Penalty Law dahil napatunayan na wala namang mabuting naidulot ang nasabing batas.
Maaari na aniyang bilisan nang Kongreso ang pagbuwag sa nasabing batas dahil may sertipikasyon na ito ng Malacañang.
Tapos nang pagsama-samahin ng House Committee on Revision of Laws ang may 15 panukalang batas na humihiling para mabuwag ang parusang bitay.
Kapag natapos na ang pag-abruba ng komite, pagbobotohan ito para sa ikalawang pagbasa at sa sandaling pumasa ay isasalang sa ikatlo at huling pagbasa.
Kung aaprubahan din ng Senado ang katulad na panukalang batas ay isasalang ito sa bicameral conference committee na raratipikahan naman ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Muling iginiit ni Lagman na hindi solusyon ang parusang bitay para masawata ang mga karumal-dumal na krimen.
Isinalaysay pa ni Lagman na mismong pamilya niya ay naging biktima ng heinous crimes matapos mapaslang noong Pebrero 2001 ang kapatid niyang si labor leader Filemon "Popoy" Lagman, samantalang naging biktima ng involuntary disappearance noong May 11, 1977 ang isa pa niyang kapatid na si Hermon Lagman.
Sa kabila aniya ng karanasan ng kanyang pamilya, hindi siya naniniwalang solusyon sa karumal-dumal na krimen ang death penalty kaya dapat maibasura na ito bago dumating ang Hunyo. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended