Natl ID kayang mapeke sa Recto
April 23, 2006 | 12:00am
Dapat munang unahin ng gobyerno ang paghuli sa mga gumagawa ng pekeng diploma, ID, passports, transcript of records at kung anu-ano pang importanteng dokumento na nagkalat sa kahabaan ng Recto St. sa Maynila bago ipatupad ang National ID cards.
Ayon kay CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva, mawawalan lamang ng saysay ang National ID cards kung mapepeke rin ito sa Recto at pagkakakitaan ng mga gumagawa ng pekeng dokumento.
Sinabi pa ni Villanueva na pinatunayan na ng gobyerno na inutil ito pagdating sa kampanya laban sa mga sindikatong namemeke sa Recto kaya hindi pa dapat ipatupad ang National ID cards.
Inihalimbawa ni Villanueva ang sinasabing pekeng pasaporte ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na isinumite sa Kongreso na posible aniyang ipinagawa rin sa Recto.
Naniniwala rin ang ilang kinatawan ng Bayan Muna na hindi makakatulong ang National ID system sa kampanya laban sa terorismo. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest