^

Bansa

Empleyado pwedeng mag-asawa ng kasamahan sa trabaho — SC

-
Binalaan ng Korte Suprema ang mga kompanyang nagsisibak ng kanilang empleyado dahil lamang sa pagkakaroon nito ng asawa na kasamahan sa trabaho.

Sa 16-pahinang desisyon ng Supreme Court (SC), ipinawalang-saysay nito ang regulasyon o panuntunan ng kumpanyang Star Paper, isang kumpanyang gumagawa ng papel kung saan pinagbabawal nito ang pag-aasawahan ng magkakasama sa trabaho.

Batay sa naturang panuntunan ng Star Paper, ipinagbabawal nito ang pagtanggap ng aplikante na mayroong kaanak na nagtatrabaho sa una at ang pagpapakasal ng dalawang empleyado na kapwa nagtatrabaho dito.

Ipinaliwanag ng korte na maituturing na labag sa karapatan ng sinuman na nais mag-asawa ng kanyang kasamahan sa trabaho, partikular na umano ang pagpapabitiw ng management sa isa sa dalawang empleyado na nais mag-asawa.

Nabigo rin umano ang naturang kompanya na mapatunayan na mayroong mabigat na dahilan o nakakaapekto ang pag-aasawahan ng mga empleyado sa paglago o pagbagsak ng nasabing kompanya.

Ang nabanggit na desisyon ng SC ay batay sa naging reklamo nina Ronaldo Simbol at Wilfreda Comia, kung saan puwersahan umanong pinagbibitiw ang mga ito ng Star Paper makaraang mag-asawa ang mga ito ng kanilang kasamahan sa trabaho.

Dahil dito’y naghain ng reklamo sina Simbol at Comia sa National Labor Relations Commission (NLRC) hanggang sa umakyat ang nasabing kaso sa Mataas na Hukuman. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BATAY

BINALAAN

COMIA

CRUZ

KORTE SUPREMA

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

RONALDO SIMBOL

STAR PAPER

SUPREME COURT

WILFREDA COMIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with