^

Bansa

3 Magdalo barilin ‘pag nakita! — AFP

- Lilia Tolentino -
"Shoot-on-sight!"

Ito ang matapang na direktiba na ipinalabas kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command Chief Lt. Romeo Tolentino laban sa tatlong puganteng Magdalo na sina 1st Lts. Sonny Sarmiento, Patricio Bumidang at Nathaniel Rabonza.

Ang utos ay kasunod ng babala ni Sarmiento na sa loob ng 1,000 araw ay babaguhin ng Makabayang Kawal ng Pilipino (dating Magdalo Group) ang liderato sa gobyerno maging ang mga sangay ng pamahalaan.

Ayon kay Lt. Tolentino, maraming sundalo ang may sama ng loob sa Magdalo dahil hinahati umano ng mga ito ang organisasyong militar.

Dahil dito kaya sila-sila mismo sa loob ang nagbabantayan sa kanilang hanay.

Inutos ni Tolentino sa kanyang mga tauhan na sa sandaling tumapak sa kanilang teritoryo ang tatlo ay wala nang tanung-tanong pa at babarilin na kaagad ang mga ito.

Gayunman, sinabi ni Tolentino na pipilitin pa rin nilang hulihin nang buhay ang tatlo. "We will only react," anya.

Nasa Camp Aquino, Tarlac ang headquarters ng Nolcom.

Inihayag pa ni Tolentino na bagaman may mga sundalong rebelde, 90% pa rin sa kanilang hanay ang tapat sa "Chain of Command" at Konstitusyon.

Ito anya ang dahilan kung bakit hndi nagtatagumpay ang mga tangkang kudeta laban sa gobyernong Arroyo.

Nitong Biyernes ay nagsalita sa isang TV station si Sarmiento na sa mga susunod na araw ay ipapaalam nila sa taumbayan na buhay pa ang kanilang ipinaglalaban.

Itinutulak ng grupo si dating Sen. Gringo Honasan kapalit ni Pangulong Arroyo. Nagsisilbi anyang inspirasyon ng grupo si Honasan na pinaniniwalaan nilang may sinserong hangarin sa pagbabago.

Bukod kay Honasan, binanggit din ng MKP ang pangalan ni Sen. Panfilo Lacson.

Nagbanta rin si Sarmiento na hindi malayong umabot sa madugong pakikipagpatayan sa kapwa mga sundalo kung kinakailangan nilang gumamit ng puwersa para lamang mabago ang bulok na sistema.

Minaliit naman ng AFP ang pahayag ni Sarmiento at sinabing nag-iingay lang ito.

Hanggang pagbabanta na lamang umano ang mga rebeldeng junior officer at walang kakayahan na mapabagsak ang gobyernong Arroyo.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHAIN OF COMMAND

GRINGO HONASAN

HONASAN

MAGDALO

MAGDALO GROUP

SARMIENTO

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with