Pulitiko sabit sa pagpatay sa ex-NBI agent
April 22, 2006 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Sen. Ramon Revilla Jr. ang mas malalim na imbestigasyon kaugnay sa ginawang pagpaslang kay Atty. Carlo Magno Uminga na dating NBI agent at kasalukuyang PLEB chairman sa Balungao, Pangasinan upang maparusahan ang sinasabing pulitiko na nasa likod ng asasinasyon dito.
Ito ang naging panawagan ni Sen. Revilla matapos dalawa mula sa apat na naarestong suspect ay umaming may bahid pulitika ang ginawa nilang pagpaslang kay Atty. Umingan na umanoy tatakbong alkalde sa susunod na eleksyon sa kanilang bayan.
Sinabi pa ng mambabatas, isang matapat na tao si Umingan na minsan niyang naging staff sa Videogram Regulatory Board (VRB) at isa sa naging dahilan upang maging matagumpay ang kanilang kampanya laban sa piracy. Hinamon ni Revilla ang pulisya at lokal na opisyal sa lalawigan na madaling resolbahin ang ginawang pagpaslang kay Umingan na sinasabing may bahid pulitika. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest