Ayon kay Secretary Norberto Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, ang pasya ng SC ay dapat na maging daan upang maipasa ang panukalang maipatupad ang ID system sa bansa.
Ipinaliwanag pa ni Gonzales, ang implementasyon ng ID system ay magpapadali sa lahat ng transaksiyon ng public at private company.
"Isang card lang at maaari na itong gamitin sa lahat ng transaction hindi tulad ng ipinatutupad na kailangan ang tatlo hanggang limang ID bago ma-process ang isang transaction", ani Gonzales.
Iginiit pa nito na wala namang dapat na ikabahala ang publiko sa ID system dahil ang pangunahing layunin nito ay magamit ng bawat Filipino sa lahat ng transaksiyon ang iisang ID at hindi pagtugis sa mga kriminal. (Lilia Tolentino)