98 ret. AFP generals, colonels overstaying sa Fort Bonifacio
April 21, 2006 | 12:00am
Umalma na kahapon ang ilang senior at junior officers ng Phil. Navy sa patuloy na pananatili sa kanilang mga quarters ng mga retiradong heneral kahit tapos na ang termino ng panunungkulan ng mga ito bilang mga dating opisyal ng militar.
Nabatid na umaabot na sa 98 retiradong opisyal ang overstaying sa Fort Bonifacio, Makati City na may mga ranggong rets. vice admirals, rear admirals, commodores at colonels.
Dahil sa overstaying na ito ay nagkukulang na ang mga housing quarters para sa mga aktibong opisyal ng Navy at napipilitan silang mangupahan na lang sa labas ng kampo.
Bunsod nito, iginiit nila kay Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga na manindigan at ipatupad ang nararapat na regulasyon at palayasin ang mga retiradong opisyal. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended