Transport, Mindanao leaders umikot sa Chacha
April 21, 2006 | 12:00am
Umikot muli kahapon sa Metro Manila ang transport group na PCDO-ACTO, na pinamumunuan ni Efren de Luna, upang hikayatin ang mga mamamayan na suportahan ang Charter Change para sa kinabukasan ng bansa at ng mga susunod na henerasyon.
Hinikayat ni de Luna, secretary-general ng grupong Sigaw ng Bayan na pinamumunuan ni Atty. Raul Lambino, ang mga botante na lumahok sa debate at diskusyon tungkol sa Chacha.
"Lumahok po tayo sa mga usapin sa pagbabago ng Saligang Batas upang maliwanagan ang lahat sa mga isyu," pahayag ni de Luna na mayroong libong tagasunod sa grupo ng transportasyon.
Samantala, sa Davao City, mahigit sa 1,000 business at sectoral leaders kasama ang mga barangay officials na pinamumunuan ni City Mayor Rodrigo Duterte ang lumahok sa kampanya sa Peoples Initiative.
Sumama na rin ang 900-strong Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) sa kampanya sa pagpapaliwanag sa mga mamamayan sa buong kapuluan tungkol sa pagbabago sa Konstitusyon.
Umabot sa 300 opisyales ng Davao at 700 negosyante at iba pang sectoral leaders mula sa buong rehiyon ang nagpahayag ng kanilang buong suporta sa Peoples Initiative para sa pag-amyenda sa Konstitusyon, sa ginanap na magkasunod na pagpupulong ng Charter Change Advocacy Commission (AdCom) sa Grand Men Seng Hotel dito. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest