Ayon sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) ang panibagong serye ng oil price hike ay matapos na pumalo sa $71.35 kada bariles serye ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ang nasabing pagtaas ay dahilan ng tensyong namumuo matapos na bigyan ng sanction ng United Nations (UN) ang bansang Iran na isa sa major supplier ng produktong petrolyo sa bansa dahil sa nuclear enhancement program nito.
Sinabi naman ni Roberto Kanapi, tagapagsalita ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., walang ibang magagawa ang mga oil companies kundi ang magtaas ng kanilang singil upang makarekober sa halaga na itinaas ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Sa ngayon ay hindi pa nila masasabi kung magkano at kailan sisimulan ang pagdaragdag ng presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Samantala sinabi naman ni Malou Espina, spokeswoman ng Total Philippines, na kahit na ang ilang mga kumpanya ng langis na gumagamit ng benchmerk ng Dubai at Brent ay magtataas din ng halaga.
Dagdag pa ng ilang kumpanya na kailangan din nilang marekober sa P2 kada litro ng diesel at gasoline kahit pa nagtaas sila ng tatlong ulit ngayong buwan.
Nakatakdang makipag-usap ang Consumers and Oil Price Watch sa DOE upang mabigyan ng solusyon ang nakaambang linggu-linggong pagtaas ng presyo ng petrolyo. (Edwin Balasa)