Kamakailan ay pormal nang naumpisahan ang implementasyon ng naturang programa na layuning mawalis ang mga peke at "fly-by-night" insurance companies at mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga pasahero at public transport sector sa pamamagitan ng Philippine Accident Managers, Inc. (PAMI) at Universal Transport Solutions, Inc. (Unitrans).
Naisagawa ang naturang programa dulot na rin ng mga reklamo sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Insurance Commission ng ibat ibang transport sector tulad ng Fejodap, Acto, Altodap, Pjoda at Piston hinggil sa mabagal na pagkakaloob ng claims at iba pang benepisyo sa mga pasahero na nasangkot sa aksidente at mga motorista.
"The enhanced ECTPL is an All Risk, No Fault Insurance which guarantees payment to accident victims within 5 working days. This is made possible because of the combined resources of the groups of insurance companies which have allocated a sizeable amount of reserves that can easily cover insurance obligations even under extraordinary circumstances such as force majeure and terrorist acts," sabi ni Eduardo Atayde, board chairman ng Pami. (Angie dela Cruz)