^

Bansa

DARE foundation off-limits na sa DAR compound

-
Pinaboran ni Agrarian Reform Nasser Pangandaman ang pagpapatupad ng ejection order o ang pagbabawal sa DAR Employees DARE Foundation na gamitin ang kanilang dating opisina bilang isang pribadong tanggapan sa anumang transaksyon sa Quezon City.

Sa isang pahinang sulat ni Pangandaman, ibinasura nito ang apela ni Violeta Bonilla, chairperson at Presidente ng DAR Employees Foundation Inc., sa kautusan ni dating Undersecretary Ame Ang na nagbabawal sa naturang foundation na gamitin ang kanilang opisina sa loob ng bakuran ng DAR.

Noong Marso 1, 2006 ay ipinasara sa opisina ng foundation matapos okupahin ang pasilidad ng gobyerno pabor sa pribadong transaksiyon sa loob ng walong buwan ng walang binabayarang ilaw, tubig, furniture at iba pang office equipments.

Sinabi ni Pangandaman na kinikilala ng ahensiya at naiintindihan ang hangarin ng foundation, subalit hindi pinapayagan ng batas para gamitin ang public property sa kapakanan ng kanilang negosyo. (Angie dela Cruz)

AGRARIAN REFORM NASSER PANGANDAMAN

ANGIE

CRUZ

EMPLOYEES FOUNDATION INC

NOONG MARSO

PANGANDAMAN

PINABORAN

QUEZON CITY

UNDERSECRETARY AME ANG

VIOLETA BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with