Wag ilagay sa kamay ang batas
April 19, 2006 | 12:00am
Nanawagan si Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan sa mga kamag-anak ng mga biktima ng krimen na huwag idaan sa kamay ang batas sa hangaring makakuha ng katarungan.
Sinabi ni Rep. Libanan na walang katarungang makakamit ang mga biktima kung gagawin nila ang kanilang binabalak na umarkila ng mga upahang mamamatay-tao upang tapusin na ang buhay ng mga death convict sa loob ng New Bilibid Prison.
Ang pahayag ay kasunod ng pangambang kumuha ng hired killers ang mga biktima para makuha ang hustisya.
Ipinagdiinan pa ni Libanan na naibigay na ng hukuman ang kinakailangang hustisya sa mga biktima matapos na hatulan ang kaso, kung kayat hindi na ito maari pang mabago ni Pangulong Arroyo sa kanyang posisyon na pansamantalang itigil ang pagpataw ng kamatayan.
"Mananatili ang pagpapataw ng parusang kamatayan ng hukuman, depende sa bigat ng kaso. Ang mawawala lamang ay hindi maipapatupad ito sa loob ng termino ni Pangulong Arroyo," ani Libanan. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest