Sa desisyon ni Judge Myrna Garcia-Fernandez ng Manila-RTC branch 18, ang hinatulan ng death penalty ay sina Ramon Arando, Pelagio Tamayo, Eduardo Saromines at Antonio Bihag.
Pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng halagang P79,000 dahil hindi nare-cover ang ransom money na ibinayad ng pamilya ng biktimang si Jocelyn Sy.
Pinawalang-sala naman dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya ang mga akusadong sina Christopher Alibis, Ronnie Magtibay, Benhur Anastacio at Novelo Anastacio habang ibinasura naman ang kaso laban sa akusadong si Felipe Anastacio dahil nasawi ito habang dinidinig ang kaso.
Sa record ng korte, dinukot ng mga akusado ang biktima noong 1997 na malapit sa isang tindahan sa Quiapo, Maynila. (Ellen Fernando/Grace Garcia)