^

Bansa

4 kidnaper hinatulan ng bitay

-
Apat mula sa siyam na akusado sa pagkidnap sa isang Fil-Chinese na babae ang hinatulan ng bitay ng Manila-Regional Trial Court.

Sa desisyon ni Judge Myrna Garcia-Fernandez ng Manila-RTC branch 18, ang hinatulan ng death penalty ay sina Ramon Arando, Pelagio Tamayo, Eduardo Saromines at Antonio Bihag.

Pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng halagang P79,000 dahil hindi nare-cover ang ransom money na ibinayad ng pamilya ng biktimang si Jocelyn Sy.

Pinawalang-sala naman dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya ang mga akusadong sina Christopher Alibis, Ronnie Magtibay, Benhur Anastacio at Novelo Anastacio habang ibinasura naman ang kaso laban sa akusadong si Felipe Anastacio dahil nasawi ito habang dinidinig ang kaso.

Sa record ng korte, dinukot ng mga akusado ang biktima noong 1997 na malapit sa isang tindahan sa Quiapo, Maynila. (Ellen Fernando/Grace Garcia)

ANTONIO BIHAG

BENHUR ANASTACIO

CHRISTOPHER ALIBIS

EDUARDO SAROMINES

ELLEN FERNANDO

FELIPE ANASTACIO

GRACE GARCIA

JOCELYN SY

JUDGE MYRNA GARCIA-FERNANDEZ

MANILA-REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with