^

Bansa

Erap wish pinayagan ng korte

-
Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ni dating Pangulong Erap Estrada na makadalo sa misa sa kanyang ika-69 kaarawan bukas bago siya dumalo sa pagdinig ng kanyang plunder case.

Sa 2-pahinang desisyon, pinayagan ng anti-graft court si Estrada na makadalo sa misa para sa kanyang ika-69 na kaarawan bukas na gaganapin sa St. Peter’s church sa Commonwealth Ave., Quezon City.

"Considering that the instant motion is not opposed by both the prosecution and the Philippine National Police (PNP), the court hereby grants the said motion," nakasaad pa sa desisyon ng korte.

Ipinag-utos pa ng hukuman na agad bumalik sa Sandiganbayan si Erap matapos ang misa para ipagpatuloy ang kanyang testimonya sa korte kaugnay ng kanyang plunder case.

Inatasan naman ng korte ang PNP na makipag-coordinate kay Sandiganbayan chief sheriff Ed Urieta para sa ibibigay na seguridad kay Erap sa pagsisimba nito.

Magugunita na may 2 linggo na ang nakakaraan ng payagan din ng korte si Erap na magsimba sa St. Peter’s church bago ito dumalo sa pagdinig ng kanyang kaso. (Malou Escudero)

COMMONWEALTH AVE

ED URIETA

ERAP

INATASAN

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ERAP ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

ST. PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with