Davide ilalagay sa UN
April 12, 2006 | 12:00am
Inirekomenda ni Pangulong Arroyo sa Commission on Appointments (CA) si retired Chief Justice Hilario Davide Jr. bilang permanent representative ng Pilipinas sa United Nations (UN) sa New York.
Ayon sa liham ni Arroyo sa CA, si Justice Davide ang napili nitong maging kapalit ni Foreign Affairs Undersecretary Lauro Baja Jr. sa nasabing posisyon sa UN.
Napag-alaman sa isang source na itatalaga si Davide sa nasabing posisyon dahil gagawing kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Baja habang si Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo ay gagawing ambassador sa Washington. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am