FPJ, National Artist na
April 12, 2006 | 12:00am
Kinumpirma na ni Pangulong Arroyo ang paggagawad ng titulong National Artist sa larangan ng pelikula (posthumous) sa namayapang action King Fernando Poe Jr. at sa limang iba pa na nominado ng National Commission for Culture and Arts at Cultural Center of the Philippines. Kinilala si FPJ dahil sa naging kontribusyon nito sa pelikulang Pilipino.
Ayon kay Jeremy Barns, director ng Presidential Museum at deputy head ng Chancellery ng Philippine Orders and State Decorations, pararangalan ang anim sa Hunyo 9 bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Ang seremonya ay idaraos sa Malacañang.
Ang limang iba pa ay sina Bienvenido Lumbera para sa literature; Ramon Obusan, sayaw; Benedicto R. Cabrera, visual arts at Ramon Valera (posthumous) para sa Fashion Design. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest