Tahasan ding tinawag na "Hudas" ni New Peoples Army spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal si Gambala dahil sa pagbaligtad umano nito sa kanyang prinsipyo at pagkakanulo sa kanyang mga dating kasamahan.
Sa pahayag ni Ka Roger sa radyo, itinanggi nito na sangkot ang CPP-NPA sa alyansa sa mga sundalong Magdalo o sa tinatawag na "Oplan G4" na ipirinisinta kamakalawa sa Malacañang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa panibagong pagtatangka na ibagsak ang pamahalaan sa Mayo 1.
Sinabi nito na hindi sila nakikiisa sa kudeta dahil sa may sarili naman silang pamamaraan sa paglaban sa pamahalaan na tinatawag nilang "Peoples War".
Isa umanong "Hudas" si Gambala sa kanyang kasamahan dahil sa pagtestigo nito sa umanoy sabwatan ng NPA at ng kanyang mga kasamahan sa Magdalo na ipinagkanulo niya kapalit ng ilang piraso ng pilak.
Napapanahon umano para sa Semana Santa ang ginawa ni Gambala dahil sa ginawa nitong pagtataksil hindi lang sa mga kasamahan ngunit sa dati nitong mga prinsipyo.