^

Bansa

‘Walang alyansa, Gambala hudas!’ — Ka Roger

- Danilo Garcia -
Malamang maging target ng pagpatay ng CPP-NPA si Army Capt. Gerardo Gambala matapos tumestigo ito na totoong may alyansa ang grupong Magdalo at grupong komunista.

Tahasan ding tinawag na "Hudas" ni New People’s Army spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal si Gambala dahil sa pagbaligtad umano nito sa kanyang prinsipyo at pagkakanulo sa kanyang mga dating kasamahan.

Sa pahayag ni Ka Roger sa radyo, itinanggi nito na sangkot ang CPP-NPA sa alyansa sa mga sundalong Magdalo o sa tinatawag na "Oplan G4" na ipirinisinta kamakalawa sa Malacañang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa panibagong pagtatangka na ibagsak ang pamahalaan sa Mayo 1.

Sinabi nito na hindi sila nakikiisa sa kudeta dahil sa may sarili naman silang pamamaraan sa paglaban sa pamahalaan na tinatawag nilang "People’s War".

Isa umanong "Hudas" si Gambala sa kanyang kasamahan dahil sa pagtestigo nito sa umano’y sabwatan ng NPA at ng kanyang mga kasamahan sa Magdalo na ipinagkanulo niya kapalit ng ilang piraso ng pilak.

Napapanahon umano para sa Semana Santa ang ginawa ni Gambala dahil sa ginawa nitong pagtataksil hindi lang sa mga kasamahan ngunit sa dati nitong mga prinsipyo.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CAPT

GAMBALA

GERARDO GAMBALA

GREGORIO

HUDAS

KA ROGER

MAGDALO

NEW PEOPLE

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with