Kelot tinarakan ng sekyu
April 11, 2006 | 12:00am
Iniwan pang nakatarak ang kutsilyo sa leeg ng isang 29-anyos na lalaki ng nakaaway nitong security guard dahil sa pagwawala ng una sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Roldan Flores, binata ng Block 13, Baseco Compound Port Area sanhi ng tinamong saksak sa leeg. Pinaghahanap naman ang kapitbahay nitong suspect na si Randy Erigola, 30, security guard at residente ng Block 13 Baseco Compound, Port Area na tumakas matapos ang pananaksak. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima sa Block 13, Baseco Compound, Port Area. Bago naganap ang insidente, sinasabing lasing na dumating ang biktima at nang mapadaan sa tapat ng bahay ng suspect na nag-iinuman din kasama ang ilang kaibigang babae ay pinagmumura ang mga ito ng una. Upang maiwasan umano ang pagtatalo ay hindi na lamang pinansin ng sekyu ang biktima. Ilang sandali pa ay umalis ang babaeng bisita subalit nakasalubong nila ang biktima na nauwi sa komprontasyon. Nakarating naman sa kaalaman ng suspect ang ginawa ng biktima kaya sinundan niya ito at walang sabi-sabing sinaksak ito sa leeg. (Danilo Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am