^

Bansa

Graft charges vs Daza pinabulaanan

-
Ipinahayag ni Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza na walang basehan ang kasong graft na isinampa sa kanya sa Ombudsman ng kanyang dating empleyado.

Sinabi ni Atty. Freddie Villamor, abugado ni Rep. Daza, ang complainant na si Archie Vineles ay dating empleyado ng mambabatas sa kanilang family business subalit tinanggal dahil nalamang mandaraya ito at sinusuba ang kapwa niyang empleyado.

Ibinunyag pa ni Atty. Villamor, tinangka pa ni Vineles na kumbinsihin ang kanyang mga kapwa empleyado na mag-imbento sila ng kuwentong anomalya laban sa kongresista na pinatunayan nina Danilo Martinez at Michael Bilaya sa kanilang mga sworn affidavit.

Sinabi pa ng dalawa sa kanilang affidavit, gustong sirain ni Vineles ang mambabatas dahil hindi siya nabigyan ng regalo noong birthday ni Bobby Castelo.

Ayon naman kay Richard Cabrera, pinagbantaan siya ni Vineles matapos niyang tanggihang sumama sa plano nitong pag-imbento ng anomalya laban kay Daza.

Winika pa ni Atty. Villamor, totoong maraming constituents si Daza na natulungan at nabigyan ng trabaho pero kailanman ay hindi ito nanghihingi ng kapalit gaya ng nais palitawin ni Vineles sa kanyang paninira sa mambabatas.

"Talagang tinanggal ni Rep. Daza si Vineles ng malaman nitong sumasahod siya sa MMDA na lingid sa kaalaman ng kongresista habang kumukubra din ng suweldo sa Buns and Pizza," dagdag pa ni Villamor.

vuukle comment

ARCHIE VINELES

BOBBY CASTELO

BUNS AND PIZZA

DANILO MARTINEZ

DAZA

FREDDIE VILLAMOR

MICHAEL BILAYA

NANETTE CASTELO-DAZA

QUEZON CITY REP

VILLAMOR

VINELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with