Sabado de Gloria idineklarang holiday
April 11, 2006 | 12:00am
Idineklara kahapon na special holiday ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Sabado de Gloria (Abril 15).
Nakapaloob sa Proclamation 1048 na ipinalabas ni Executive Secretary Eduardo Ermita na pista opisyal ang darating na Sabado de Gloria dahil nakapagitan ito sa Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay na kapwa deklaradong pista opisyal.
Ayon sa ipinalabas na proklamasyon, kailangang mabigyan ang mamamayan ng tuluy-tuloy at sapat na pagkakataon para gunitain ang Semana Santa nang naaayon sa relihiyosong tradisyon.
Ang Pangulong Arroyo kasama ang kanyang pamilya at miyembro ng Gabinete ay magpapalipas ng Mahal na Araw sa Baguio City mula ngayon hanggang Lunes. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest