GMA namigay daw ng P40M pork sa mga kongresista
April 9, 2006 | 12:00am
Mahigit 100 kongresista umano ang nagtungo sa Malacañang nitong Biyernes para tanggapin ang milyun-milyong pisong pork barrel na bigay umano ni Pangulong Arroyo.
Base sa ulat, nagpunta ang mga kongresista sa Palasyo pagkatapos ng kanilang sesyon para makipananghalian kay Pangulong Arroyo bilang birthday treat ng huli na nagdiwang ng kaarawan noong Abril 5.
Bukod daw sa tanghalian, binigyan din umano ng Pangulo ng P40 milyon sa priority development assistance para sa 2006 at tig-P50,000 ang bawat kongresista.
Ayon sa mga kritiko ng Pangulo, ang ipinalabas na pondo ay maaaring bahagi ng "panliligaw" nito para makuha ang suporta ng mga mambabatas sa ikinakampanyang Charter change.
Pinabulaanan naman ng Palasyo ang balita at sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na isa lang paninira sa panukalang Charter change ang napaulat na pamamahagi ni Pangulong Arroyo ng milyun-milyong pisong pork barrel sa mga kongresista.
"Of course, ang nagkakalat ng balitang ito ay gustong sirain ang Charter change. Sana naman ay tingnan natin kung ano talaga ang fundamental advantages nitong Charter change," ani Bunye.
Sinabi rin ni Bunye na sa sandaling matuloy ang Chacha, magkakaroon ng parliyamentong unicameral at ang trabaho ng sangay ng ehekutibo at lehislatibo ay magkakasama.Dito ay makikita ang mas maayos na pagpapatakbo ng gobyerno.
"Hindi tulad ngayon, bawat isyu, siguro buwan o taon bago magkaroon ng isang desisyon," dagdag pa ni Bunye.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest