^

Bansa

Partylists, itsapuwera sa Parliamentary government

-
Hindi na makakasali ang mga partylist groups sa panukalang parliamentary government.

Ayon kay Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman, ang parliamentary government na isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay katulad sa Germany kung saan ang mga malalaking partidong pulitikal lamang ang pinapayagang lumahok.

Sa kasalukuyan, mayroong 16 partylist groups sa House of Representatives ilan dito ay Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Akbayan, Anak Mindanao, Cibac at Partido ng Manggagawa na pawang kilalang kritikal sa gobyerno..

Ayon kay Hataman, kinausap na siya ni House Speaker Jose De Venecia kung saan ipinaalam nito na kailangang sumama sa mga malalaking partidong politikal ang mga partylist groups katulad ng Lakas-Christian Muslim Democrats.

"Ang problema kapag sumama ang partylist groups sa malalaking political parties lalong hindi na kami maririnig kasi laging majority wins sa ganyan at ilan lang naman ang boto namin," ani Hataman.

Sinabi pa ni Hataman na sa kasalukuyang sitwasyon, hindi na pinakikinggan ang mga partylist groups at siguradong ganito rin ang mangyayari kapag naging parliament ang gobyerno.

Dahil dito, pinag-aaralan ni Hataman na kumandidato na lamang sa Basilan sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2007.

Naniniwala naman si de Venecia na ang interim Parliament ay magsisimula sa Hulyo at 12 senador ang awtomatikong magiging miyembro ng parliament hanggang 2010. Ang first batch ng mga miyembro ng parliament ay ihahalal sa 2007 base na rin sa schedule ni de Venecia. (Malou Escudero)

ANAK MINDANAO

ANAK MINDANAO REP

AYON

BAYAN MUNA

HATAMAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER JOSE DE VENECIA

LAKAS-CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRATS

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with