Ayon kay Antonio Antonio, chairman ng BF Reform Movement at dating pangulo ng association, marapat umanong sagutin sa NBI at sa korte ng kanilang kasalukuyang pangulo na si Celso Reyes kung saan napunta ang kanilang pondo. Nagkawindang-windang umano ang kanilang asosasyon mula ng pamunuan ni Reyes at ayaw na rin umanong bumaba sa kanyang puwesto dahil sinuspinde ang kanilang annual elections na dapat sanay isinagawa noong nakalipas na Pebrero. Natuklasan din umano ang pinakahuling kuwestyunableng transaksiyon ni Reyes kaugnay ng P2-milyong payment sa isang legal representation nitong nakalipas na Marso 29, 2006.
Inihayag naman ni retired Col. Rolando Navarro, director ng UBFHAI na ang pinasok na problema at away ng kanilang pangulo ay mistulang laban ng mabuti at masama. "This is a fight against the good and the evil and we dont want the evil to prevail," sabi ni Col. Navarro. (Mer Layson)