^

Bansa

NAIA 3 palpak dahil sa kickback — Yasay

-
Katiwalian umano ang dahilan kaya mahina ang pagkakagawa ng NAIA 3 na naging dahilan sa pagbagsak ng isang bahagi ng kisame noong Marso 28, tatlong araw bago ang takdang pagbubukas, ayon kay Atty. Perfecto Yasay, abogado ng Asia’s Emerging Dragon Corp. (AEDC) na original proponent ng terminal.

Sinabi ni Yasay na nanghingi ng 10 porsiyentong kickback sa bid offer ng mga sub-contractors ang arkitekto ng PIATCO na si Jeffrey Cheng. Sinabi aniya sa mga dokumento na "architect rekord" lang si Cheng na pumirma sa plano upang makasunod sa batas ng Pilipinas na Pinoy dapat ang gumawa at mag-apruba sa disenyo ng proyekto.

Dahil dito naigawad kay Cheng at sa kanyang ka-partner na Takenaka, isang Japanese firm na contractor sa pagtatayo ng gusali, ang 85 porsiyento ng construction work na ipina-sub-contract naman ni Cheng. Bunga nito, nakompromiso aniya ang tatag, tibay at kaligtasan ng terminal. Idinagdag ni Yasay na kung bumagsak ang 100 metro kuwadrado ng kisame, posibleng bumagsak ang kisame ng buong terminal sapagkat pareho ang materyales na ginamit at uri ng pagkakagawa dito.

Nagpahayag ng pagdududa ang mga eksperto sa kaligtasan at tibay ng NAIA 3. Aniya, malinaw sa pahayag ng mga testigo ng pamahalaan na sina Mr. Klenk, Mr. Swimmerton at Karl May na kaduda-duda ang integridad ng gusali batay sa structure at architectural design nito.

ANIYA

BUNGA

DRAGON CORP

JEFFREY CHENG

KARL MAY

MR. KLENK

MR. SWIMMERTON

PERFECTO YASAY

SINABI

YASAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with