Judge na may alagang duwende sinibak ng SC
April 7, 2006 | 12:00am
Tuluyan nang sinibak ng Supreme Court (SC) ang isang hukom na may mga alagang duwende na kanyang pinagkokonsultahan ng kanyang mga kaso.
Batay sa 75-pahinang desisyon ng SC, inalis bilang hukom si Malabon Regional Trial Court Judge Florentino Floro Jr. dahil walang kakayahan si Floro na panghawakan ang kanyang posisyon bilang hukom dahil sa umanoy gross deficiency incompetence nito.
Naging kontrobersiyal na hukom si Floro dahil sa umanoy ginagawa nitong pagkonsulta sa mga kaibigan niyang duwende bago desisyunan ang hinahawakan nitong kaso at umanoy pagmimisa muna nito sa kanyang sala bago magsagawa ng pagdinig.
Nag-ugat ang kaso laban kay Floro ng magsumite ng report ang Office of the Court Administrator-Audit team na nagdedetalye ng mga kakaibang gawain ni Floro tulad ng pamimigay nito ng kanyang calling cards na naglalaman ng kanyang mga credentials bago ito magsagawa ng session.
Bukod dito, pumapayag din umano si Floro na matulog sa kanyang chamber ang aide nito habang nagsasagawa ng court session at ang mga maling desisyon nito sa mga kasong hawak.
Inatasan din ng SC si Floro na magbayad ng P40,000 multa, gayunman ibibigay sa kanya ang tatlong taong back wages. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest