Hiniling ng abogado ng Batasan 5 na si Atty. Romeo Capulong na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) at Writ of Preliminary Injunction ang CA upang maisantabi ang naging kautusan ng Department of Justice (DOJ) na nagtatrato sa Batasan 5 na under arrest at under detention. Layunin din ng petisyon na mapigil na ilipat sila sa protective custody ng Kamara patungo sa ilalim ng pangangalaga ng PNP.
Ang Batasan 5 ay binubuo nina Reps. Liza Maza; Joel Virador, Satur Ocampo, Rafael Mariano at Teddy Casiño. (Malou Escudero/Grace dela Cruz)