Kalikasan protektahan sa indiscriminate mining
April 6, 2006 | 12:00am
Iginiit ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) sa Department and Natural Resources (DENR) na istriktong ipatupad nito ang environmental laws sa bansa upang matiyak na maiwasan ang mga aksidente at mga pag-abuso sa kapaligiran at kalikasan na magdudulot ng epekto sa kalusugan ng maraming mamamayan.
Ayon sa PDSP, dapat imonitor ng DENR ang mga kumpanya ng minahan upang matiyak na ang mga ito ay sumusunod sa mga batas kaugnay ng pangangalaga sa kapaligiran ng bansa.
Giniit ni PDSP spokesman Atty. Jose Ricafrente na hindi dapat isugal ng pamahalaan ang kapakanan ng likas na yaman at kalusugan kapalit ng ginto. Kailangan ding matiyak ng ahensiya kung nabibigyan ng proteksiyon at kaukulang benepisyo ang mga minero. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended