Sa Senate Bill 2239 ni Sen. Lito Lapid, ipinaliwanag nito na ilang beses nang napatunayan na health hazard sa mga consumers ang staple wire kapag aksidenteng nahalo ito sa kanilang biniling pagkain.
"Marami nang mamimili ang aksidenteng nakalulon ng staple wire dahil nahahalo ito sa kanilang pagkain sanhi na rin ng packaging ng mga produkto kung saan ay gumagamit ng staple wire," dagdag pa ni Lapid.
Inamin naman ng senador na isang simpleng panukalang batas lamang ang kanyang inihain subalit malaki ang maitutulong sa mga Filipino. (Rudy Andal)