^

Bansa

19 Pinoy bihag sa Somalia

-
Isang oil tanker ng United Arab Emirates ang hinayjack ng 12 armadong mga pirata kasama ang 19 tripulanteng Pinoy na sakay nito sa karagatan ng Somalia.

Batay sa ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga pirata ay armado ng machine guns, at AK47 rifles nang salakayin ang tanker sa Mogadishu port noong Marso 29.

Sinabi ni Noel Choong, head ng Piracy Reporting Center of the London-based International Maritime Bureau, na nakapagbaba na ang Lin 1 tanker ng kargamento nito sa Mogadishu port nang salakayin.

Humihingi umano ng ransom money ang mga pirata sa may-ari ng barko kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag.

Mula pa Marso 15, 2005 ay 40 barko na ang inatake ng mga pirata sa Somalia ngunit marami sa mga ito ang hindi na naiulat.

Noong Pebrero, isang UN food aid ship ang pinaputukan ng mga pirata sa pagtatangkang ma-hijack ito.

Isang Indian ship ang na-hiack naman noong Pebrero 26 at ang 25 crew nito ay noong Marso 29 lamang pinalaya.

Ayon sa grupo, ang karagatan ng Somalia ang pinakamapanganib sa mundo dahil sa bantang pagsalakay ng mga pirata sa mga barkong napapadaan doon. (Mer Layson)

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INTERNATIONAL MARITIME BUREAU

ISANG INDIAN

MARSO

MER LAYSON

MOGADISHU

NOEL CHOONG

NOONG PEBRERO

PIRACY REPORTING CENTER OF THE LONDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with