Sinabi ni Echiverri na maraming nakatatanda at taong may kapansanan ang nagtutungo sa city hall, mga ahensiya ng gobyerno at opisina upang kumuha ng dokumento, magbayad ng buwis at ayusin ang ibat ibang transaksyon. Ayon dito, karamihan sa kanila ay kinakailangan pang makipagsiksikan at pumila ng mahaba kasama ang mga malalakas at walang kapansanang residente para lamang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Ipinaliwanag ng alkalde na dahil sa kahinaang dulot ng edad at kapansanan ay nararapat na paglaanan sila ng espesyal na pila bilang tulong upang maibsan ang hirap na kinakailangang tiisin sa pag-aasikaso ng papeles. Hinihilingan rin ang mga pribadong establisyemento at opisina tulad ng mga sinehan, department store, bangko, kainan na pinupuntahan at tinangkilik ng mga nakatatanda at may kapansanan na maglagay din ng special lanes para sa mga ito