^

Bansa

Priority lane sa senior, disabled

-
Hinimok kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang lahat ng tanggapan sa city hall, mga ahensiya ng gobyerno at pribadong opisina sa lungsod na maglaan ng special o priority lane para sa mga nakatatanda at may kapansanan.

Sinabi ni Echiverri na maraming nakatatanda at taong may kapansanan ang nagtutungo sa city hall, mga ahensiya ng gobyerno at opisina upang kumuha ng dokumento, magbayad ng buwis at ayusin ang iba’t ibang transaksyon. Ayon dito, karamihan sa kanila ay kinakailangan pang makipagsiksikan at pumila ng mahaba kasama ang mga malalakas at walang kapansanang residente para lamang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Ipinaliwanag ng alkalde na dahil sa kahinaang dulot ng edad at kapansanan ay nararapat na paglaanan sila ng espesyal na pila bilang tulong upang maibsan ang hirap na kinakailangang tiisin sa pag-aasikaso ng papeles. Hinihilingan rin ang mga pribadong establisyemento at opisina tulad ng mga sinehan, department store, bangko, kainan na pinupuntahan at tinangkilik ng mga nakatatanda at may kapansanan na maglagay din ng special lanes para sa mga ito

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

HINIHILINGAN

HINIMOK

IPINALIWANAG

KAPANSANAN

RECOM

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with