Mga lider ng Mindanao kumilos na sa Peoples Initiative
April 2, 2006 | 12:00am
Matapos malamang sinuportahan ng mga malalaking negosyante ang Peoples Initiative para sa pagbabago ng Konstitusyon ay kumilos na rin ang mga pro-Charter change na mga lider sa Mindanao.
Dahil dito, inaasahang dumoble ang target ng lagpas sa 20 percent sa original na kailangan ng mga advocates sa pamumuno ng grupong Sigaw ng Bayan para mabago ang Konstitusyon.
Sinabi kahapon ni Atty. Raul Lambino, spokesman ng multisectoral coalition, na 20 sa 24 Mindanao governors at ng sobra-sobrang bilang ng local officials, mga NGOs at POs ang kumilos na para dagdagan pa ang kinakailangan target para makamit ang convincing mandate mula sa mga botante.
Sa kasalukuyan, lagpas na aniya sa anim na milyon sa kinakailangang minimum constitutional requirements na 5.12 milyon. Pero gusto aniya ng mga lider ng sectoral at business groups at ibat ibang liga ng LGUs na doblehin ang bilang sa 12 milyon sa mga susunod na araw.
Ang Sigaw ng Bayan volunteers, na pinamumunuan ng transport leader na si Efren de Luna ng PCDO-ACTO, ay nagsagawa kahapon ng motorcade sa mga pangunahing daan sa metropolis para dalhin ang isyu ng Charter change sa mga Metro Manilans.
Pinangunahan naman nina North Cotabato Go. Manny Pinol, pangulo ng Federation of Mindanao Governors and Mayors, at ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, kasama sina city Mayors Vicente Emano ng Cagayan de Oro, Pedro Acharon ng Gensan at Muslimin Sema ng Cotabato ang kampanya sa pagpapapirma sa Peoples Initiative sa Mindanao. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest