^

Bansa

‘Wag makialam sa trabaho ng CA

-
Sinabihan kahapon ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay si Armed Forces Chief of Staff Gen. Generoso Senga na huwag pakialaman ang trabaho ng Commission on Appointments sa pagsasabing dapat bawasan ang kapangyarihan ng komisyon sa pagkumpirma sa mga opisyal ng militar at pulisya.

Ang pahayag ay bunsod ng ginawang alegasyon ni Gen. Senga na may ilang pulitiko ang inaabuso umano ang kanilang kapangyarihan magkumpirma ng mga opisyal ng pamahalaan at ng militar. 

Ayon kay Rep. Pichay, hindi dapat maliitin ni Senga ang kapangyarihan ng sibilyan sa militar dahil ang pagkakatatag sa CA ay alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas. Partikular na inihalimbawa ni Pichay ang Artikulo 2, Seksyon 3 ng Konstitusyon na nagsasaad na mas mataas ang sibilyan kaysa sa militar.

Ayon pa sa kongresista, hindi dapat kainggitan ng mga opisyal ng militar ang mga mambabatas dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkuling naaayon sa batas.

Ipinagdiinan pa ni Pichay na kung hindi naitatag ang CA, sino o anong tanggapan ng pamahalaan ang magsasabing karapat-dapat sa puwesto ang isang opisyal ng pamahalaan o maging ng militar.

Pinalagan din ng kongresista ang ginawang pahayag ni Senga na ang pagkumpirma sa mga may ranggong kolonel pataas ay isang pamamaraan para sa mga pulitiko na maimpluwensiyahan ang Sandatahang Lakas.

Sinabi rin ni Pichay na obligasyon ng punong opisyal ng militar na tiyaking hindi mapupulitika ang kanilang hanay.

Ipinagdiinan din nito na tungkulin ng CA na silipin at busisiin ang kakayahan ng mga opisyal ng militar at hindi ang manghimasok sa trabaho nito.

Naniniwala rin si Pichay na hindi dapat magtago sa saya ng AFP ang mga opisyal nito dahil lamang sa takot na humarap sa proseso ng kumpirmasyon.

"Kung alam nilang wala silang tinatago, bakit sila natatakot na humarap sa komisyon at ipakita ang kanilang pruweba na kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan," dagdag pa ni Pichay. (Malou Escudero)

vuukle comment

ARMED FORCES CHIEF OF STAFF GEN

AYON

GENEROSO SENGA

IPINAGDIINAN

MALOU ESCUDERO

MILITAR

OPISYAL

PICHAY

SENGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with