GMA sa PNPA grads: Wag kayong traydor
March 30, 2006 | 12:00am
Binalaan ni Pangulong Arroyo ang mga bagong graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) na lumayo sa pulitika, maging tapat sa Konstitusyon at huwag ipagkanulo ang kinabukasan ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa ika-27 seremonya ng pagtatapos ng Bagsay Lahi Class 2006 na ginanap sa Silang, Cavite ay muling inulit ng Pangulo ang kanyang panawagan na maging maingat sa mga personalidad na kumakalap ng kanilang suporta at nangangako ng mga reporma.
"Be wary of the vested interest behind seemingly attractive promises of reforms but actually, they put to great risk the future of the nation," sabi ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na bilang alagad ng batas ay binibigyan sila ng karapatang humawak ng baril, subalit dapat nilang isurender ang kanilang karapatan sa "free speech" o maghayag ng kanilang opinyon sa usaping pampulitika.
Responsibilidad anya ng mga alagad ng batas na panatilihin ang kapayapaan sa bawat komunidad at isang pagsira sa kanilang sinumpaang tungkulin kung sila mismo ang maglalagay sa mamamayan sa kapahamakan.
"The Filipino wants progress not a re-run of the past. Everyone will pay the price of adventurism and it will be severe because it will impact on our economy and the livelihood of the people. And as I said last week, we cannot keep sweeping disloyalty under the rug," anang Pangulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am