Batay sa ipinalabas na resolution ng SC, pinaniwalaan ng SC ang argumento ng DOJ na dapat lamang na mailipat ang nasabing kaso dahil patuloy itong tumatagal dahil sa umanoy kawalan ng hukom na hahawak.
Una nang nag-inhibit si Olongapo RTC Judge Renato Dilag sa paghawak sa nasabing kaso dahil dati umanong naging empleyado ang anak nito sa Sycip, Gorres, Velayo law firm kung saan dito umano nagmula ang ilang abogado na nagtatanggol sa ilang US servicemen.
Gayunman, sinabi ni SC-PIO chief Atty. Ismael Khan na inatasan na ng korte ang Olongapo RTC na ilipat na sa Makati RTC ang mga dokumento ng kaso.
Aniya, isasailalim pa rin sa raffle ang naturang kaso upang mabatid kung sinong hukom ang didinig dito. (Grace dela Cruz)