Dahil dito. hindi na muna maaaring ituloy ng DOJ panel of prosecutors sa pangunguna ni Sr. State Prosecutor Leo Dacera ang nakatakdang ikatlong PI sa kaso sa darating na Abril 6.
Itinakda ng CA ang pagdinig sa Abril 24 ganap na alas-2 ng hapon kung saan pinapaharap ang ABS-CBN at ang DOJ.
Dito ay kinakailangan na idepensa ng DOJ ang akusasyon ng abogado ng ABS-CBN na si Aty. Regis Puno na nagkaroon na ng bias sa panig ng DOJ matapos mismong si Justice Sec. Raul Gonzalez ang nagsabi na may pananagutan sa Ultra stampede ang may-ari ng TV network.
Una ng nagsumite ng petisyon si Puno sa CA upang hilingin na mapahinto ang PI sa DOJ.
Sinabi ni Puno na napre-judge na ni Gonzalez ang kaso ng sabihing may criminal liability si Gabby Lopez, chairman & CEO ng ABS-CBN. (Grace dela Cruz)