^

Bansa

DOJ probe sa Ultra stampede pinatigil ng CA

-
Tuluyan nang pinigilan ng Court of Appeals (CA) ang Department of Justice (DOJ) sa pagsasagawa ng preliminary investigation kaugnay sa Ultra stampede makaraang magpalabas ang CA 13th Division ng temporary restraining order (TRO) para sa pansamantalang pagpapahinto sa nabanggit na imbestigasyon.

Dahil dito. hindi na muna maaaring ituloy ng DOJ panel of prosecutors sa pangunguna ni Sr. State Prosecutor Leo Dacera ang nakatakdang ikatlong PI sa kaso sa darating na Abril 6.

Itinakda ng CA ang pagdinig sa Abril 24 ganap na alas-2 ng hapon kung saan pinapaharap ang ABS-CBN at ang DOJ.

Dito ay kinakailangan na idepensa ng DOJ ang akusasyon ng abogado ng ABS-CBN na si Aty. Regis Puno na nagkaroon na ng bias sa panig ng DOJ matapos mismong si Justice Sec. Raul Gonzalez ang nagsabi na may pananagutan sa Ultra stampede ang may-ari ng TV network.

Una ng nagsumite ng petisyon si Puno sa CA upang hilingin na mapahinto ang PI sa DOJ.

Sinabi ni Puno na napre-judge na ni Gonzalez ang kaso ng sabihing may criminal liability si Gabby Lopez, chairman & CEO ng ABS-CBN. (Grace dela Cruz)

ABRIL

ATY

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GABBY LOPEZ

JUSTICE SEC

PUNO

RAUL GONZALEZ

REGIS PUNO

SR. STATE PROSECUTOR LEO DACERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with