^

Bansa

Oposisyon insecure — GMA

- Lilia Tolentino -
Ang mga akusasyon laban sa pangangalap ng pirma para sa pag-amyenda ng Konstitusyon ay tanda ng mga insecurities ng oposisyon dahil sa paglobo ng bilang mga taong pabor sa Charter change, ayon sa Malacañang.

Umaabot na sa 4.5 milyon ang nakakalap na pirma sa inilunsad na kampanya ng Sigaw ng Bayan, isang coalition ng may 100 people’s organizations na naghahangad ng pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng isang people’s initiative.

Ayon kay Pangulong Arroyo, dapat pakinggan ng oposisyon ang naghuhumiyaw na sigaw ng taumbayan na panahon na ang pagbabago sa sistema ng pamahalaan. Dapat na rin anyang tigilan ng mga tumututol sa pagbabago ang pang-iintriga sa pulitika para lamang siraan ang people’s initiative na itinatakda naman ng ating Saligang Batas bilang isa sa tatlong pamamaraan upang mabago ang Konstitusyon.

Umaasa naman ang tagapagsalita ng Sigaw ng Bayan na si Atty. Raul Lambino na mahihigitan nito ang hinihinging 5-M lagda ng Konstitusyon.

Tahasan ding hinamon ni Lambino ang mga senador na bumabanat sa people’s initiative sa debate sa legalidad ng signature campaign, subalit pinuri rin niya si ex-President Ramos sa pagsuporta nito sa people’s initiative.

Ang kampanya sa pangangalap ng lagda ay nagsimula noong Sabado at ang bilang ay nagsimulang lumobo kamakalawa ng gabi batay sa resulta mula sa Visayas at Mindanao.

Naniniwala ang mga pribadong samahan ng mamamayan na mahihigitan ng kampanya ang hinihinging bilang ng Konstitusyon para masimulan ang Charter Change.

Ayon pa kay Lambino, ang minimum na bilang ng pirma na required ng Konstitusyon ay 5.6 milyon lamang at batay sa pumapasok na resulta, ito ay malamang mahigitan pa.

vuukle comment

AYON

BAYAN

CHARTER CHANGE

KONSTITUSYON

LAMBINO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT RAMOS

RAUL LAMBINO

SALIGANG BATAS

SIGAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with