Ang kampanya sa pangangalap ng lagda ay nagsimula noong Sabado at ang bilang ay nagsimulang lumobo kamakalawa ng gabi batay sa resulta mula sa Visayas at Mindanao.
Naniniwala ang mga pribadong samahan ng mamamayan na mahihigitan ng kampanya ang hinihinging bilang ng Konstitusyon para masimulan ang Charter change sa pamamagitan ng peoples initiative.
Ayon kay Atty. Raul Lambino, ang minimum na bilang ng pirma na required ng Konstitusyon ay 5.6 milyon lamang at batay sa pumapasok na resulta, ito ay malamang mahigitan pa.
Ang Sigaw ng Bayan ay isang Koalisyon ng may mahigit 100 peoples organization na sumusuporta sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.