Ex-LTO director Avila binurda ng anomalya

Tadtad umano ng mga anomalya ang nasibak na Land Transportation Office (LTO) director Cirilo Avila matapos makalkal ang mahabang track record ng umano’y extortion, abuse of authority, scandal at estafa nito.

Ito ang ibinunyag ng LTO sa isang sulat nito sa Civil Service Commission (CSC) kung saan idinetalye ang mga umano’y criminal offenses ni Avila hindi lamang noong nanunungkulan pa ito bilang director of law enforcement service sa LTO kundi maging noong opisyal pa siya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Idinetalye ng communiqué ang pagkakaaresto kay Avila noong nakaraang taon na pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) base sa isang reklamo ng robbery extortion.

Ayon sa NBI records, positive si Avila sa fluorescent specks at smudges sa kanyang mga kamay na kanyang nakuha sa marked money na tinanggap niya mula sa complainant sa isang entrapment operation sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa biktimang si Ida Pelipel, vice president for finance ng PP Bus Lines, kinikikilan umano sila ni Avila ng P3,000 kada linggo bukod pa sa P150,000 sum payment na kanyang hinihingi sa bus company upang maging garantiya na hindi aarestuhin ang mga drayber at hindi maiimpound ang mga bus nito. Humingi ang bus company ng tulong sa NBI nang takutin umano ni Avila na ipasasara ang kumpanya kung hindi maibibigay ang P150,000. Dito naaresto si Avila nang tumanggap ito ng pera mula sa bus company na may halong mga marked money.

Show comments