Kinumpirma ni House Minority Leader Francis "Chiz" Escudero na nakuha na nila ang 48 lagda o lagpas ng anim para sa kinakailangang 42 pirma.
Ayon kay Escudero, nangako ang mga mambabatas na pumirma na dadalo sa sesyon kapag kailangan nang kumpirmahin ang kanilang mga lagda.
Matatandaang naglunsad ng signature campaign si Speaker Jose de Venecia upang makakuha ng 195 lagda o 3/4 bilang ng may 236 kongresista at 24 senador para mai-convene ang Kongreso sa Constituent Assembly.
Ito naman ay tinapatan ng minority bloc sa pamamagitan nang pagsusulong din ng signature drive upang harangin ang plano ni de Venecia. (Malou Escudero)