^

Bansa

Cha-cha ‘pinatay’ sa Kamara

-
Naabot na ng minority bloc sa House of Representatives ang kinakailangang lagda ng mga mambabatas para harangin ang pagsusulong ng panukalang Charter change.

Kinumpirma ni House Minority Leader Francis "Chiz" Escudero na nakuha na nila ang 48 lagda o lagpas ng anim para sa kinakailangang 42 pirma.

Ayon kay Escudero, nangako ang mga mambabatas na pumirma na dadalo sa sesyon kapag kailangan nang kumpirmahin ang kanilang mga lagda.

Matatandaang naglunsad ng signature campaign si Speaker Jose de Venecia upang makakuha ng 195 lagda o 3/4 bilang ng may 236 kongresista at 24 senador para mai-convene ang Kongreso sa Constituent Assembly.

Ito naman ay tinapatan ng minority bloc sa pamamagitan nang pagsusulong din ng signature drive upang harangin ang plano ni de Venecia. (Malou Escudero)

AYON

CHIZ

CONSTITUENT ASSEMBLY

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KINUMPIRMA

MALOU ESCUDERO

SPEAKER JOSE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with