^

Bansa

PMA graduation bobombahin

- Joy Cantos -
May plano umano ang mga rebeldeng sundalo na bombahin ang graduation ceremony bukas ng Philippine Military Academy (PMA) kung saan target ng kill plot si Pangulong Arroyo, Defense Secretary Avelino Cruz, Jr., mga generals ng AFP at iba pang prominenteng personalidad.

Ayon sa nakalap na intelligence report ng AFP, nasilat ang paglulunsad ng Oplan Hackle sa PMA Alumni Homecoming noong Pebrero 18 kaya sa graduation rites umano ito isasagawa.

Ang Oplan Hackle ang destabilization roadmap ng nag-alyansang left and right wing forces na may layuning ibagsak ang gobyernong Arroyo.

Dahil dito, 1,000 tropa mula sa elite Special Forces Regiment at US-trained Light Reaction Company ang ipapakalat upang tumulong sa puwersa ng militar at pulisya sa pangangalaga ng seguridad sa gaganaping pagtatapos ng PMA Class Mandala 2006 sa Fort del Pilar, Baguio City.

Lahat ng mga pangunahing daan patungo sa PMA parade grounds sa Borromeo field ay isasara. Nabatid pa sa intelligence report na ang bomb plot ay kahalintulad ng naganap noong Marso 18, 1987 nang magkaroon ng pagsabog sa loob ng Fort del Pilar habang nagtatalumpati si dating Pangulong Cory Aquino na kumitil ng buhay ng tatlong sundalo at isang babae habang 47 pa ang nasugatan.

Kabilang sa mga matataas na opisyal ng AFP na dadalo sa okasyon sina AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga, Army Chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr., Air Force Chief Lt. Gen. Jose Reyes, Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga at PMA Superintendent Brig. Gen. Leopoldo Maligalig.

AIR FORCE CHIEF LT

ALUMNI HOMECOMING

ANG OPLAN HACKLE

ARMY CHIEF LT

BAGUIO CITY

CHIEF OF STAFF GEN

CLASS MANDALA

DEFENSE SECRETARY AVELINO CRUZ

GENEROSO SENGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with