Pork ng mga kongresista hirit gawing P70-M
March 23, 2006 | 12:00am
Minamadali na ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa ng P1.040 trilyong national budget ngayong 2006 kung saan nakapaloob ang pagbabalik ng orihinal na P70 milyong pork barrel ng mga kongresista mula sa kasalukuyang P40 milyon.
Sinabi ni House Majority Leader Prospero Nograles na pabor ang lahat ng mga kongresista na ibalik sa orihinal ang kanilang Priority Development Assistance Fund sa P70 milyon, ang standard na pork barrel allotment na ibinibigay sa bawat distrito.
Gumanda na naman aniya ang fiscal situation ng bansa dahil na rin sa ipinatutupad na mga tax reforms.
Makikinabang din sa restoration ng pork barrel ang mga senador dahil babalik sa P200 milyon ang kanilang matatanggap na pondo. Isa sa mga inaasahang pagkukunan ng pork ng mga kongresista ang P5 bilyon Kilos Asenso Program at ang P3 bilyon fund para sa Kalayaan Barangay program na kapwa isiningit sa 2006 national budget. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest