Tax exemptions sa mga piloto tututukan
March 20, 2006 | 12:00am
Isinusulong ngayon ng isang mambabatas mula sa Mindanao ang tax exemptions para sa mga commercial pilot at aircraft mechanics upang mapigilan ang mga ito sa pag-alis at matugunan ang pagkaubos ng mga ito na maaring pumaralisa sa aviation industry.
Ayon kay Zamboanga del Norte 2nd district Rep. Roseller Barinaga, House committee on labor and employment, posibleng maghain ang Kongreso ng panukalang batas para sa tax exemptions at reporma na puwedeng maisabatas tulad sa ibang mga bansa. Ang 32 percent na kabawasan sa buwis ay one-third na ng take home pay ng mga ito na kung magpapatuloy ay maaaring magbabago sa kanilang isip at manatili na lamang sa bansa.
Nabatid na sa kasalukuyan, ang mga manggagawa sa aviation industry, aircraft mecha-nics, painters, planners, ground at cabin crews partikular ang mga commercial pilots para sa domestic aviation industry ay binabawasan ng 32% buwis sa kanilang suweldo.
Nauna rito, sinabi ni Labor Undersec. Danilo Cruz na hindi kasagutan ang pagdaragdag sa suweldo ng mga piloto at mekaniko sa "pamimirata" ng mga foreign airlines dahil mayroon pa ring "tax component" ang mga nagtatrabaho sa Pilipinas. Aniya, kung ang foreign airline company ay mag-aalok sa isang Filipi- no commercial pilot ng buwanang sahod na $10,000, matatanggap niya ito nang buo, dahil sinusuportahan ng gobyerno ang kanilang airlines.
Hinikayat ni Barinaga ang mga kapwa mambabatas na bigyang halaga ang inihain niyang House Resolution 1106 na humihiling na hanapan ng "remedial measures upang mahinto ang nanganganib na pagkaubos ng mga manggagawa sa domestic aviation industry." (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended