Lanao Gob. lusot sa kasong administratibo, kriminal
March 20, 2006 | 12:00am
Ibinasura ng Office of the Ombudsman nitong nakaraang linggo ang lahat ng kasong administratibo at kriminal na isinampa laban kay Lanao del Sur Governor Aleem Bashier Manalao.
Batay sa 40-pahinang joint resolution na nilagdaan noong Marso 13 ni Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez, wala siyang nakitang anumang katiwalian na nagawa ang gobernador kasama ang apat na iba pang opisyales nito.
Sa desisyon, sinabi ni Gutierrez na wala siyang nakitang sapat na ebidensiya upang idiin ang gobernador sa anim na kasong katiwalian hinggil sa akusasyon ng nepotismo, pagbiyahe sa Malaysia at pagbili ng mo- bile patrol cars.
Nag-ugat ang demanda sa Ombudsman bunga ng reklamo ni Lanao del Sur Vice Gov. Monera Macabangon at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan laban kay Manalao.
Subalit iginiit ng Ombudsman na walang saysay ang reklamo sa akusasyon ng nepotismo sa kanyang mga kamag-anak dahil ang posisyon ng mga ito ay maituturing na confidential at legal, ayon sa Local Government Code.
Sa pagbili naman ng police patrol cars mula sa Hilton Truck Sales sa Cebu City ng walang public bidding, iginiit ng Ombudsman na pinapayagan ang nasabing pagbili dahil ito ay ginawa sa panahon ng emergency at kinuha sa ilalim ng kanilang pondo bilang capital outlay.
Idinismis din ng Ombudsman ang reklamo na ginamit ng gobernador ang pondo ng gobyerno na umaabot sa P2.5 milyon sa pagbiyahe nito sa Malaysia. Hindi anya napatunayan nina Macabangon na pera nga ng pamahalaan ang ginastos dito, bagkus ay personal na salapi ng gobernador. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 6 hours ago
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Ludy Bermudo | 6 hours ago
Recommended