Honasan naispatan sa Visayas Region
March 20, 2006 | 12:00am
Namataan umano si dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan sa Visayas Region kung saan pinaniniwalaang nagtatago ito matapos na magpalabas ng P5 milyong reward sa kanyang ulo ang pamahalaan.
Sa report ni Police Regional Office (PRO) 7 director C/Supt. Doroteo Reyes II, nakatanggap siya ng report mula sa kanilang mga asset na si Honasan ay naispatan sa Dumangas, Iloilo at Negros Occidental nitong mga nakalipas na araw bagaman masusi pa nilang bineberipika ang nasabing impormasyon.
Dahil dito, higit pang pinalakas ang inilatag na manhunt operations laban sa dating senador na wanted sa batas matapos iturong utak sa Oakwood mutiny at sa nasilat na kudeta nitong nakaraang Pebrero 24.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa mabilisang ikadarakip ni Honasan.
Bukas ang PNP Text 2920 at 117 para tumang-gap ng mensahe mula sa mga concerned citizens. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest