Hepa B vaccine sa bagong silang na sanggol
March 19, 2006 | 12:00am
Gagawin ng mandatory ang immunization sa mga bagong silang na sanggol laban sa Hepatitis B virus (HBV) sa sandaling maging isang ganap na batas ang panukalang isinusulong ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Layunin ng panukala na mabigyan kaagad ng Hepatitis B vaccination ang lahat ng sanggol, 12-oras matapos silang ipanganak upang maiwasan ang nasabing viral infection.
Gagawin na ring obligasyon sa panig ng mga health practitioners na ipaalam sa mga magulang o legal guardians ang availability at benepisyong makukuha ng mga sanggol sa Hepa B immunization.
Nakasaad din sa panukala na kung hindi sa ospital o medical clinic ipinanganak ang isang sanggol, dapat itong dalhin sa pinakamalapit na health care facility para mabigyan ng immunization laban sa Hepatitis B sa loob ng 12-oras matapos ipanganak o maximum na pitong-araw.
Binigyan din ang mga sanggol ng isang national health passport na ipagkakaloob sa sandaling iparehistro sila sa Local Civil Registry.
Ang health passport ang magsisilbing mobile record booklet na maglalaman ng basic medical data ng sanggol at ng kanyang official immunization record.
Ang Hepatitis B virus ang nagiging sanhi ng chronic hepatitis at liver cirrhosis.Nakukuha ang nasabing virus mula sa infected na dugo, body fluids at sexual intercourse. Pero napag-alaman din kamakailan na maaaring ipasa ng isang infected mother ang nasabing sakit sa kanyang bagong silang na sanggol. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended